Month: Enero 2020

Maging Mapagpasalamat

Nais mo bang lalo pang maging mapagpasalamat? Ito ang panghihikayat ni George Herbert sa kinatha niyang tula na pinamagatang ‘Pagtanaw ng Utang na Loob’. Sinabi sa tula na kapag binigyan ka, suklian mo ito ng isang mapagpasalamat na puso.

Isinasabuhay ni Herbert ang laging alalahanin ang mga pagpapalang kanyang natatanggap mula sa Dios upang siya’y maging mapagpasalamat.

Ipinapahayag naman ng Biblia…

Pananalangin

Minsan, habang iniisip ko ang pangangailangan ng isa sa malapit kong kaibigan, naalala ko ang kuwento ni Propeta Samuel na binanggit sa Lumang Tipan ng Biblia. Dahil doon lumakas ang loob ko na idalangin ang malapit kong kaibigan. Idinalangin kasi ni Samuel ang kanyang mga kababayan na humaharap sa matinding pagsubok.

Natatakot noon ang mga Israelita sa mga Filisteo. Ilang beses…

Magkaisa

Noong mga taong 1950, lumaki ako na balewala lang sa akin kung pinaghihiwalay ang mga taong iba ang kulay ng balat sa amin. Nakasanayan ko na kasing makita sa eskuwelahan, kainan, sakayan at sa aming lugar na magkakahiwalay kami.

Pero nagbago ang aking pananaw noong sumali ako sa pagsasanay para maging isang sundalo. Binubuo ang grupo ko ng iba’t ibang lahi.…

Kilala at Minamahal

Naging sikat ang isinulat na kanta ni Anna B. Warner noong taong 1800 lalo na sa mga bata. Ipinapahiwatig ng kanta na minamahal tayo ng Panginoong Jesus.

May nagbigay naman sa aking asawa ng isang plake at may nakasulat na, “Kilala ako ni Jesus at gusto ko iyon.” Nagpapahiwatig naman ito ng isang pananaw tungkol sa ating relasyon kay Jesus –…

Nagagalit ba ang Dios?

Noong nasa kolehiyo ako, pinag-aralan namin ang tungkol sa buhay ng mga dios ng Griyego at Romano. Nagulat ako na pabagu-bago ng ugali at madaling magalit ang mga dios nila. Ang mga taong nakaranas ng galit nila ay namatay o kaya nama'y nagdusa.

Naiinis ako kung bakit naniniwala noon ang mga tao sa ganoong klaseng dios. Pero, napatanong ako sa aking…